Monday, January 28, 2013

PLUMA DE PUTA!

(my sketch)

Kasabay ng pag-agos ng malamig na tubig mula sa gripo, dumadaloy sa lababo ang dugong nasa kamay ng isang dalaga, di maawat sa panginginig nito habang ito'y kanyang hinuhagasan, marahil sa kaba, sa galit, sa sakit nadarama at habang patuloy siyang tumatangis unti-unti ding bumabalik ang nakaraan na siyang naging puno't dulo ng kaganapang ito...

Si Alona ay masasabing isang tunay na dalagang pilipina, mahinhin, malinis at walang bahid ng kamunduhan. Lumaki si Alona sa Mindoro kasama ng kanyang Ina na isang butihin lingkod ng simbahan kung kaya't di nakapagtatakang napalaki siya ng maayos. Bata pa lamang siya ng maulila sa ama dulot ng pagkakatuklaw ng AHAS dagat sa kanilang pangingisda. Isang matalinong bata si Alona nakapagkamit siya ng unang karangal sa mataas na paaralan ng Mindoro na nagdulot upang pagkalooban siya ng pagkakataong makapag-aral ng kolehiyo sa Maynila.

Wala man kaalam alam sa naturang lungsod ay, nagtungo ang dalagang si Alona, ito'y sa pagnanais na ding mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina.Sa pier ay sinundo siya ng isang matandang babaeng nagpakilalang si Aling Lordes, sa kanyang panuluyan titira si Alona habang siya ay nag-aaral. 
"o iha ako si Aling Lordes, ate Lordes na lang ayoko pang tumanda"
"kinagagalak ko po kayong makilala ale este ate Lordes"
"ito na ba laht ng dalahin mo ke bigat naman ata?"
"opo, ate, di ko po kasi alam mga dapat kong dahilin kaya naparami ang nasa aking bagahe"
"at may dala ka pa talagang LAMPARA no, wala ba kayong kuryente doon?"
"wala po ee, sa bayan lang meron noon"
"dito sa maynila di na uso yan,ohh siya tara na't baka gabihin na tayo masyado.

Manghang-mangha siya sa ganda ng lungsod, sa naglalakihang mga gusali at sa naggagandahang mga sasakyan.

Walang naging suliranin si Alona sa kanyang pag-aaral, madali siyang nakasabay sa takbo ng buhay sa lungsod ng Maynila ngunit di pa ding maikakaila ang kamang-manangan niya sa marami pang bagay na makikita at mararanasan sa kanyang bagong tirahan.
Ito na marahil ang siyang naging dahilan kung bakit siya napasok sa isang masalimuot na pangyayari. Ala sais na ng hapon at pauwi na si Alona nang biglang may isang lalaking matipuno nag alok sa kanya ng isang libreng patikim ng ng tsokolate, ito raw umano ay para sa bago nilang produkto na agad namang tinanggap ni Alona. Sarap na sarap si Alona sa natikmang tsokolate ngunit di nagtagal ay nakaramdam siya ng pagkahilo at tuluyang bumagsak.Tila isang mabagsik na uri ng MEDISINAng pampatulog ang hinalo rito.

Sa pagising ni Alona naririnig niya ang mga hagikgik at tawanan ng maraming kalalakihan, di nya maaninag ang mga mukha nito dulot ng kanyang pag kahilo. Isang lalaking gegewang-gewang ang lumapit sa kanya at pilit siyang hinubaran. Naglaban si Alona ngunit di nito nakaya ang lalaki.
"hahaha tuluyan mo na yan dre, ikaw makakauna dyan kay mis promdi!"
"Para sa kapatiran!"
"Sige, pare sayong sayo yan!"
Ito ang mga boses na paulit-ulit nyang naririnig habang siya ay hinahalay. Nang dahil din kislap mula sa ilang KAMERA lalong di maaninag ni Alona ang mga mukha ng mga BARAKOng nakapaligid sa kanya.
Damang-dama niya ang paglabas-masok ng ari ng lalaki  na tila isang AHAS ng wumawasak sa kanyang pagkababae.
Maya-maya pa ay may nakapa si Alona, ang kanyang bag. Pilit inabot ni Alona ang gunting nasa loob nito, at nang mahawakan ay buong lakas nitong hiniwa ang lalaking nakapatong sa kanya.
Nag sigawan ang lahat at dali-daling isinugod ang sugatang lalaki sa pagamutan, samantalang naiwang si Alona na lupaypay.

Kinabukasan, kahit nanghihina pa ay nagtungo na si Alona sa mga pulis para magsuplong, ngunit doon ay nakita nya ang lalaking nagbigay sa kanya ng tsokolate, BARAKOng barako ang kilos at tila may malakas na kapit sa kapulisan. Naunahan ng takot si Alona at di na tumuloy.
Kahit mahirap ay sinubukan ni Alona na kalimutan ang lahat at mag patuloy, ngunit sa kanyang muling pag pasok ng paaralan, nagkalat ang kanyang hubad na larawan.
"Kala ko pa naman matino yan, pokpok naman pala"
"Ayan na ang PUTA!"
Nanliit si Alona at natigalan, di nya malaman ang kanyang gagawin. Pinatawag siya ng tagapangasiwa ng paaralan at sinabing tinatanggalan na siya ng karapatang magaral sa naturang kolehiyo.
Gumuho pa lalo ang daigdig ni Alona sa mga narinig.
Ilang araw pa ang lumipas, ay nakatanggap si aling Lordes ng tawag mula sa Mindoro na nasasabing inatake sa puso ang ina ni Alona dahil sa balita ukol sa kanya at tuluyang binawian ng buhay.
Sa kawalan ng pera dulot ng pagkakatanggal sa paaralan di nagawang umuwi ni Alona,
Tanging panaghoy ang karamay sa sinapit niya.

"Alona, Iha panu ba yan wala nang nagbabayad para sayo dito, malulugi naman ako nyan" wika ni Aling Lordes
"Pasensya na po kayo Ate, maghahanap pa lang po ako ng trabaho ee" sagot ni Alona
"Gusto mo ba kumita? may alam akong paraan, madali lang to" 
"ho? ano naman po yan ate lordes"
"Lumapit ka kay mang Edwin, bibigyan ka nun"
"ha eeh anu naman pong kapalit"
"alam mo na yun"
Di na kumibo si Alona, ngunit alam niyang iyon na lamang ang paraan.
Nag daan pa ang ilang araw iba't-ibang lalaki pa ang nakatikim kay Alona pinangatawanan na nyan ang pagiging isang PUTA.

Gabi-gabi pumupwesto si Alona sa may tulay sa ilalim ng poste ng ilaw suot ang gahiblang damit at pulang palda na sa sobrang ikli ay kita na pati ang KUYUKOT ng dalaga. Isang gabi, isang gwapo at makisig na  lalaki ang lumapit
"Hi, miss Ako si Andrew, sama ka?" pakilala ng lalaki
"Magkano naman kuya?" sagot ni Alona
"1k okay na ba yun?"
"Alona nga pala, Tara san tayo?"

Nagtungo ang dalawa sa isang motel sa di kalayuan, pag pasok pa lamang ay akma nang maghuhubad si Alona ngunit pinigilan siya ni Andrew.
"Teka,saglit lang di mo kailangan gawin yan"
"huh? so anu gagawin natin dito"
"Naawa kasi ako sayo kaya kita dinala dito, di ka dapat pumasok sa gantong uri ng trabaho"
"Pero ito lang ang nakikita kong paraan , tutal sira na ang kinabuksan ko"
"Kung bibigyan ba kita ng trabaho ee ititigil mo na ba ito?"
"Teka, bakit ba ang bait mo sakin di mo naman ako kakilala ha"
"ah eeh naawa nga kasi ako sayo, isa pa kaya ko namang tulungan ka kaya wag ka nang tumanggi pa di naman ako mukhang masamang tao diba"

Sa loob ng tatlong oras nagkausap ang dalawa, tinanggap ni Alona ang alok ni Andrew na trabaho sa kanilang karinderya. Naging malapit ang dalawa sa isa't isa, at si Andrew din ang siyang naging dahilan upang malapit muli sa diyos si Alona.


Isang sabado, nakita ni Alona si Andrew kasama ang binatang nag bigay sa kanya noon ng tsokolate, tila nag tatalo ang dalawa, maya maya pa ay pinaulanan ng suntok ni Andrew ang kausap, sinubukang lumapit ni Alona para umawat pero siya ay natakot.
"Hindi siya isang PUTA, kayo ang dahilan kung bakit niya nagawa yun kayo!!" ito ang mga katagang narinig niyang sinambit ni Andrew sa nakalupasay na lalaki sa sahig.
Natuwa si Alona sa sinabi ni Andrew at pati na din sa sinapit ng binata, pakiramdam niya nuon ay tila siya ay nakaganti na sa pambababoy na ginawa sa kanya


Di naglaon ay lalo pang nagkapalagayan ng loob sina Alona at Andrew hanggang sa nagtapat na nga ng pagibig ang binata.Habang sila ay nakaupo sa ilalim ng puno sa isang parke at kumakain ng SORBETES nagkatinginan ang dalawa at unti-unti tila may tumutulak sa kanilang mga mukha papalapit sa isa't isa at maya-maya pa'y tuluyan nang hinalikan ni Andrew si Alona. Nabitawan ng dalawa ang sorbetes na hawak at nagyakpan, ngunit kaunti pang sandali ang lumipas ay tumigil si Alona.
"Bakit?"
"ahh ehh wala"
"Alona, Mahal kita"
"Pero, dati akong puta Andrew di ako bagay sayo" sambit ni Alona
"Wala akong pakialam sa nakaraan mo, basta ang alam ko mahal kita, hayaan mo kong ibigay sayo kung ano ang nararapat na para sayo"
"Pero.."
"Pero ano takot ka? Mahal mo din naman ako diba? Pakiusap Alona alam kong alam mong mahal na mahal kita"
Di na naalinlangan si Alona at tinaggap ang pagibig ni Andrew. Naging masaya ang unang tatlong buwan nila,  araw-araw silang magkasama, linggo-linggo din ay nag sisimba at higit sa lahat iginalang ni Andrew si Alona na sya naman ikinasaya pang lalo ng dalaga.

Naging napakasaya ng pagsasama nilang dalawa hanggang sa isang araw ay may ipinagtapat si Andrew...
Tinanggal ni Andrew ang kanyang damit at ipinakita sa kauna-unahang pag kakataon ang isang malaking peklat sa gawing dibdib neto, isang malaking tahi na tila isang ALUPIHANg nakakapit sa balbuning dibdib ng binata.
"Nakikita mo ba to? Ikaw ang siyang may gawa ng hiwa na to, ako ang lalaking humalay sayo, ako ang lalaking sumira ng buhay mo"
Nang lumo si Alona sa narinig tumakbo ito palayo kay Andrew pagawing kusina.
hinabol namna siya ng binata..
"Patawarin mo ko mahal ko! Di ko naman talaga ginusto yun, kinailangan ko lang gawin un para di nila ako pag initan, isa pa pinakaen din nila ako nung tsokolate nang gabing iyon, patawarin mo ko Alona di ko alam na ganto ang kahihitnatnan ng ginawa ko sayo."
"So, ano syinota mo ko!, tinulungan mo ko!, para ano?! pampalubag loob?! para makabawi ka sa pagsira sa buhay ko!!"
"oo, pero.." 
bago pa man tuluyang tapusin ni Andrew ang sinasabi, sunod-sunod na saksak na ang iginanti ni Alona. Buong lakas at puno ng galit na pinagsasaksak ng dalaga ang kanyang kasintahan
".ma...hal kit.." ito na laman ang nasambit ng binata bago siya tuluyang malagutan ng hininga.
Umagos ang dugo at luha, at nabalot ng karimlan ang gabing iyon.

Matapos na mahugasan ang kanyang kamay nagpasiya si Alona na sumuko sa mga pulis, naging napakalaking balita ang nangyari,
"Isang lalaki pinagsasaksak ng nobyang pokpok" mga katagang gumibal sa pamukhang pahina ng bawat PERYODIKO na siya ding naging usap-usapan ng buong barranggay 
Makalipas ang anim at kalahating taon. Si Alona ay lumaya mula sa koreksyonal at nagdesisyong na lamang umuwi na ng Mindoro. Doon niya sinimulan muli ang kanyang buhay at sa pamamagitan ng mga kaalamang natutunan niya sa loob ng kulungan siya ay nakapagtayo roon ng maliit negosyo. Naglingkod din siya sa simbahan tulad ng kanyang ina. Sa dalampasigan kanyang binubulong sa hangin ang naging karanasan at pinag masdan ang agos na tila kanyang ipinapaananod ang alaala ng masalimuot na nakaraan.
Bagamat patuloy siya minunulto ng kanyang nakalipas alam niyang malaya na siya sa pang huhusga, sa pambababoy, sa pagiging isang PUTA at sa pagtanggap nya sa mga karanasang tila isang bangungot duon niya natagpuan ang kapanatagan, kapanatagan sa piling ng diyos.
wakas


25 comments:

  1. Don't understand at all but good sketch btw!!! =]

    ReplyDelete
  2. Grabeh MEcoy! Lume-level up ka na! Ume-entry ka na talaga sa mga blog contest! ayieh! Tuwang-tuwa ako sayo yey!

    GOOD LUCK!

    ReplyDelete
  3. thanks for joining :)

    ReplyDelete
  4. wow... i love your writing style...magaling ka rin pala sa Filipino....naks...

    congrats!

    ReplyDelete
  5. wooww parang yung entry ni fiel *torn parehong maganda mag ka iba ng storya at attake ang ginamit.. well good luck mecoyyy :) interesting yung title mo.

    ReplyDelete
  6. Nice story parecoy may twist din. Napakalungkot ng dinanas ni Alona. Kahit happy ending di mo makakalimutan yung masasakit na nakaraan. Sapalagay ko nagbago si andrew dito kaya nga lang di matanggap ni Alona. Mabuti naman nagbagong buhay si Alona. Well isang biktima lang si Alona ng kanyang nakaraan.

    Good luck sa entry natin parecoy :)

    ReplyDelete
  7. Hindi ko nakayanan ang rape scene pero patuloy ko pa ring binasa. Good luck sa entry mo. Madami talagang magaling sumulat sa blogosphere.

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. sorry typo error lang sa taas.

    Aww akala ko nung una si Andrew na ang Knight in shining armor ni Alona yun pala siya ang salarin kung bakit nasira ang buhay nito.

    Goodluck sa entry natin!

    ReplyDelete
  10. Wow...wala akong masabi hahaha...sumasabay sa nag gagandahang entry. Good luck parekoy

    ReplyDelete
  11. Mecoy! Thumbs up din ako. Hirap maging biktima talaga ng mga mga lalaking walang puso.may nga pangyayari sa ganyang buhay. Kawawang mga babae.
    Buti naging happy ending. Naiyak ako dito.

    ReplyDelete
  12. Ang galing putangina...wow hahaha

    ReplyDelete
  13. pagkatapos kung basahin ang iyong akda, nagdalawang isip na akong sumulat ng aking entry para sa patimpalak na ito hehe. Ikaw ang bet ko!

    ReplyDelete
  14. Mecoy dalang dala ako sa pasakit at galit na nararamdaman ni alona. Ganyan din kasi nung unang na feel ko when i first came into a big city. Di nga lang ako na rape. Pero ang daming bully

    ReplyDelete
  15. Tumatagalog si Mecoy o, kompleto may sketch pa! Ang husay mo palang gumawa ng kwento..

    ReplyDelete
  16. Nice Plot! At magaling ka palang magkwento na tagalog ang gamit!

    Goodluck!

    ReplyDelete
  17. when I play games (Heroes of Newerth), I always see these word such as "PUTA" and . . . . "Tang *n*" LOL!

    oh well just kidding . . . have fun and *hugs*

    ReplyDelete
  18. morbid ako pero bakit ang sakit nung hindi sila nagkatuluyan. whahaha

    anyway, ngayon lang ako (ata) nakapagbasa ng tagalog work mo.

    bihira ang magaling magsulat sa english at tagalog.

    Goodluck sa entry parekoi :)

    ReplyDelete
  19. astig naman ang sketch.... ayos na ayos hehehe


    syempre astog din ang story..... congrats sa entry ^^

    ReplyDelete
  20. nice mecoy.ngayon lang ako nagkaopras magbasa. you deserve the win.

    ReplyDelete

Followers